Prologue

The Pregnant And Rejected Luna

Prologue

Nanonood lang ako habang hinahanda ni Papa ang mga armas niya laban sa mga Lycan. Buntong hiningang sumandal ako sa hanay ng pintuan at pinag-ekis ang mga braso sa aking dib-dib. Hindi talaga ako pamalagay sa tuwing sasabak siya sa labanan.

Naniniwala ang mga hunter na sa Alta Tierra naninirahan ang mga Lycan pero hindi nila kayang pasukin ang kuta ng mga ito dahil masyadong mapanganib. Pero kung ang mga Lycan mismo ang aalis sa kuta nila makakaya ng mga hunter na matugis sila.

Nakita ko na ipinasok nito sa bag ang isang silver knife bago nito sinara ang bag na dadalhin nito. Buntong hiningang hinarap niya ako.

"May mga Lycan daw na nakapasok sa kabilang baryo at kaylangan nila Diego ang tulong ko." Anito na halata namang hindi magpapapigil. Sinukbit na nito ang bag sa balikat at naglakad palabas ng kwarto.

"Full moon ngayon, mag-iingat ka." nag-aalalang yumakap ako sa kanya.

"Ikaw ang mag-iingat hija, ikandado mo ng mabuti ang mga pinto at.." ibinigay nito sa akin ang isang 45 ACP. Mula sa barel ay nag-angat ako sa kanya ng tingin.

"Kapag kinakailangan."

"Pa.."

"Sige na, matatagalan bago ako makauwi. Kunin mo na para mapanatag ako." Giit nito. Buntong hiningang tinanggap ko nalang iyon.

"Tandaan mo ang mga bilin ko sayo. Huwag kang magtitiwala kapag hindi mo kilala." Bilin ito bago ako halikan sa noo pagkuway sumakay na ito sa jeep. Sinenyasan niya akong isara na ang pintuan pati na ang mga bintana. Agad ko din naman iyong ginawa.

Sa tuwing umaalis si Papa para makipaglaban sa mga Lycan inaabala ko din ang sarili ko para hindi ako masyadong mag-isip kung maayos lang ba siya. Nagbuburda ako, nagpipinta o hindi kaya nagbabasa ng mga romance pocket book.

Wala naman akong masyadong alam tungkol sa mga Lycan ang isa lang na itinatak ni Papa sa isip ko kundi isa silang mga halimaw na mapanganib sa lahat. Walang ibang alam gawin kundi ang pumatay at kumain ng mga tao. Hindi pa naman ako nakakakita ng tulad nila pero ramdam ko ang panganib na dala nila sa mga tao.

Nang ubos na ang laman ng tasa ko ay saglit kong binitawan ang binabasa ko at nagtungo sa kusina para magtimpla ulit ng kape. Mabilis akong napabaling ng tingin sa may pintuan ng may gumalabog sa labas. Marahan akong naglakad papunta kung saan ko inilapag ang baril na ibinigay sa akin ni Papa.

Muli akong nakarinig ng kaluskos at pagkagalabog ng kung ano sa labas. Kinasa ko ang baril at handang itinutok sa pintuan. Hindi ako marunong gumamit nito pero mabuti na ang handa. Ilang segundo na akong nasa ganoong ayos nang may marinig ako pusa na nag meow. Mariin akong pumikit at nagbuga ng hangin. Akala ko kung ano na.

Inilapag ko ulit sa lamesa ang baril bago ko muling binalikan ang tasa sa kusina at pinagpatuloy ang naudlot na pagbabasa. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog ako sa ganoong ayos.
..

Naalimpungatan ako sa pakiramdam na merong nakatingin sa akin. Marahan akong nagmulat ng mga mata. Napasinghap ako nang merong pares na pulang mata ang nakatingin sa akin. Mabilis kong kinuha ang baril sa tabi ko kuway itinutok ko iyon sa kanya.

"H-huwag kang lalapit!" pagbabanta ko. Marahan akong tumayo at humakbang palayo sa kanya. Ngayon lang ako nakakita ng isang Lycan. Nakakatakot at nakakapangilabot ang itsura nila, pero bakit hindi ko magawang matakot sa kanya.

"I won't hurt you.." nanghihinang sabi nito. Napatingin ako sa katawan nitong puno ng tama ng bala.

Ang pula nitong mga mata ay naging kulay abo at ang katawan nito ay onti-onting bumabalik sa normal nitong katawan at walang malay na bumaksak ito sa sahig. Ilang sandali pa akong nasa ganung ayos bago ako marahang lumakad malapit sa kanya habang nakatutok pa din ang hawak kong baril sa kanya.

Hinawakan ko siya sa muka at ibinaling iyon paharap sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkakita ko sa kanyang gwapong muka. Ang makapal nitong kilay, ang matangos nitong ilong at ang mapupula nitong mga labi na tila kaysarap halik halikan.

Mabilis kong pinilig ang ulo ko. Hindi dapat ako nag-iisip ng kanito sa isang halimaw. Dapat sa kanila mamatay! Tulad ng laging sinasabi sa akin ni Papa. Muli kong itinutok sa kanya ang baril, hindi dapat ako nagpapadala sa gwapo nitong muka. Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ay hindi ko magawang kalabitin ang gantilyo ng baril.

Umangat ang isang kamay nito na tila gusto niyang ipahawak sa akin. "A-ano iyan?!" tanong ko dahil hindi ko makuha ang gusto nitong iparating.

"H-hold me... I-I need to-" umubo ito at may lumabas na dugo mula sa kanyang bibig.

Ano daw? Bakit naman nito gusto na hawakan ko siya? Pero ang kamay nito ay nanatili lang na inaabot ako. "I won't hurt you, I just need your touch, please..." pagod na sabi nito. Tiim bagang tinitigan ko ang kamay nito na may bahid din ng dugo.

Merong pumipigil sa akin na gawin ito pero meron din bahagi sa puso ko ang nagsasabing lapitan ito. Parang may sariling isip ang mga paa ko na humakbang palapit sa kanya at pikit ang mga matang lumuhod ako sa tabi niya kuway inabot ang kamay nito.

"I feel better now." Sabi nito na nanatili paring nakapikit. Tila naman ako natauhan sa ginawa ko at alam kong mali ang ginawa kong pagtulong sa kanya, kaya nang akamang bibitawan ko ang kamay niya ay hinigpitan nito ang pagkakahawak sa akin.

"Please, stay.. I need to recharge.." anito. Ano ba ang pinagsasasabi nito? Papaano babalik ang lakas niya sa paghawak ko lang sa kanyang kamay? Ano ako charger?

Nagbuga ako ng hangin at mariin na ipinikit ang aking mga mata bago muling tumingin sa nangingiwi nitong muka. Alam ko na kaylangan niya ng tulong.

Nagtatalo ang puso at isipan ko kung tutulungan ko ba siya pero mas malakas ang puso ko na nagsasabing kailangan ko siyang tulungan. Muli akong nagbuga ng hangin.

"Fine! Tutulungan kita pero ipangako mo sa'kin na aalis ka ng kusa kapag magaling ka na."

Ngumiwi ito at marahang tumango.

Pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa paghawak nito sa kamay ko. Muli akong napatitig sa kanyang gwapong muka hindi ko lubos akalain na makakakita ako ng katulad niya. Sino kaya ang bumaril sa kanya? Si Papa kaya o mga hunter na kasamahan ni Papa?

Nang lumuwag na ang pagkakahawak niya sa kamay ko ay marahan ko iyong binitawan pagkatapos ay nagpunta ako sa kwarto ni papa para kumuha ng T-shirt at bimpo. Kumuha din ako ng planggana at nilagyan iyon ng maligamgam na tubig bago ko iniublob ang bimpo at pinigaan.

Maingat kong hinubad ang punit-punit na nitong damit na nabahiran na ng maraming dugo bago ko marahang pinunasan ng bimpo ang katawan nito. Napatigil ako at nanlalaki ang aking mga mata nang makita kong onti-onting humihilom ang sugat nito. Mariin akong pumikit at kinukumbinsi ko ang sarili ko na natural lang na kaya nitong pahilumin ang sarili nitong sugat dahil hindi ito ordinaryong tao.

Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas sa kanya at nang matapos ay agad ko siyang binihisan ng damit. Muli akong pumunta sa kwarto para kumuha ng unan at kumot. Tsaka na ako magsisisi kapag nakaalis na ito. Maingat kong inilagay ang unan sa ilalim ng ulo nito at kinumutan siya. Buntong hiningang naupo ako sa tabi nito at isinandal ang ulo ko sa dingding.

Huling sulyap sa kanyang kwapong muka bago ako muling dalawin ng antok.
...

Haplos sa aking muka ang nagpagising sa mahimbing kong pagtulog. Marahan akong nagmulat ng mga mata pero malabo iyon kaya muli akong pumikit at sa muling pagmulat ko medyo naaaninag ko na ang kanyang gwapong muka na para akong nananaginip.

"Hi.." napangiti ako nang marinig ko ang boses nito na kaysarap sa tenga.

"I need to go now.." sabi nito. biglang naglaho ang mga ngiti sa aking labi dahil nakaramdam ako ng pagkalungkot at hindi ko alam kung bakit.

"Don't worry, I'll leave you with my mark. Darating ang panahon na magkikita tayong muli." anito na hinaplos ako sa aking muka. Marahan akong tumango at mapait na ngumiti.

Hinawi nito ang buhok ko na tumatabing sa aking leeg, pero bago ko pa malaman ang susunod nitong gagawin ay napasigaw nalang ako ng malakas nang maramdaman ko ang matutulis nitong ngipin na bumaon sa'king leeg.

"Hasta la proxima ves, my mate."

One